07 December 2010

random thoughts in the office.

Ang love para sa akin ay parang paghihintay ng bus.
Kung sasakay ka, siguraduhin mong nasa Loading Station ka para mas malaking chance na makasakay ka.
Huwag na 'wag kang maghihintay sa Unloading Station dahil kahit anong gawin mo, hindi ka makakasakay. Kung makasakay ka man, alam mong bawal! Mahihirapan ka lang.
Sa Loading Station, madaming bus na dumadaan na pde kang isakay, pero madaming dadaan dun na puno na.
Swerte na lang kung makakaupo ka, pero madalas, nakatayo ka (lalo na kung rush hour pa). Kung iisipin mo, may mga taong magpapaupo sayo! isasakripisyo ang upuan nila para ibigay sayo. Okay dba? pero kung iisipin mo, nakakahiya din at hindi ka magiging komportable kasi alam mong may nahihirapan na iba para lang sa ikagagaan mo (sana). Ano't-ano pa man ang mangyari, makakarating ka din naman sa pupuntahan mo. Ang pakiramdam after, hindi natin masabi. Nakadepende din yan sa atin.

In short, tumambay at mag-abang na lang sa Loading and Unloading zone para safe! HAHA :D

**good morning from the office with a good morning face.
***what i meant with a good morning face is my face without make-up!

<3,
Blair

No comments:

Post a Comment